ترجمة سورة ق

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني سورة ق باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج).
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Qāf. Sumpa man sa Qur’ān na maringal.
Bagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Ito ay isang bagay na kataka-taka.
[Bubuhayin kami] kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok? Iyon ay isang pagpapanumbalik na malayo [nang mangyari].
Alam nga Namin ang ibinabawas ng lupa mula sa kanila. May taglay Kaming aklat na iniingatan.
Bagkus nagpasinungaling sila sa katotohanan noong dumating ito sa kanila, kaya naman sila ay nasa kalagayang natutuliro.
Kaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito, at walang taglay ito na anumang mga bitak.
Ang lupa, bumanat Kami nito, naglapat Kami rito ng mga matibay na bundok, at nagpatubo Kami rito ng bawat bagay na balanse,
bilang pagpapakita at paalaala para sa bawat lingkod na nagsisisi.
At nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na biniyayaan, at nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga hardin at mga butil na inaani,
at mga puno ng datiles, na mga pumapaitaas na may bunga na patung-patong,
bilang panustos para sa mga lingkod. Bumuhay Kami sa pamamagitan nito ng isang lupaing patay. Gayon din ang paglabas [ng buhay].
Nagpasinungaling bago nila ang mga kababayan ni Noe, ang mga kasamahan ng Rass, ang [mga kalipi ng] Thamud,
ang [mga kalipi ng] `Ād, si Paraon, at ang mga kapatid ni Lot,
ang mga naninirahan sa kasukalan, at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo kaya nagindapat ang banta Ko.
Kaya nangalupaypay ba Kami sa unang paglikha? Bagkus sila ay nasa pagkalito paglikhang bago.
Talaga ngang lumikha Kami sa tao at nakaaalam Kami sa ibinubulong sa kanya ng sarili niya. Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg.
[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang [anghel na] tagatanggap sa gawing kanan at sa gawing kaliwa habang nakaupo.
Wala siyang binibigkas na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang mapagmasid na nakalaang [magtala].
Darating ang hapdi ng kamatayan dala ang katotohanan; iyon ang dati mong tinatakasan.
At iihip sa tambuli, iyon ang Araw ng Pagbabanta.
Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang tagaakay at isang saksi.
[Sasabihin]: "Talaga ngang ikaw noon ay nasa pagkalingat dito, kaya humawi Kami sa iyo ng lambong mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas."
Magsasabi ang [anghel na] kaugnay niya: "Ito, ang taglay ko, ay nakalaan."
[Sasabihin sa dalawang anghel]: "Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas,
pakakait ng kabutihan, tagamalabis, tagaalinlangan,
na gumawa kasama kay Allāh ng ibang diyos. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi."
Magsasabi ang [demonyong] kaugnay niya: "Panginoon namin, hindi ko siya pinagmalabis, subalit siya noon ay nasa pagkaligaw na malayo."
Magsasabi Siya: "Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko at nagpauna na Ako para sa inyo ng banta.
Hindi napapalitan ang sabi sa piling Ko at Ako ay hindi palalabag sa katarungan sa mga alipin."
Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: "Napuno ka ba?" at magsasabi ito: "May dagdag pa ba?"
Palalapitin ang Paraiso sa mga tagapangilag magkasala nang hindi malayo.
Ito ay ang ipinangangako sa inyo: para sa bawat palabalik, mapag-ingat,
na sinumang natatakot sa Napakamaawain nang lingid at dumating na may pusong nagbabalik.
Pumasok kayo rito sa kapayapaan. Iyon ay ang Araw ng Pamamalagi.
Ukol sa kanila ang niloloob nila sa loob nito at mayroon pa Kaming dagdag.
Kay rami ng pinasawi Namin bago nila na salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bangis, at nagpagala-gala sila sa lupain. May mapupuslitan ba?
Tunay na sa gayon ay talagang may isang paalaala para sa sinumang may puso at nag-ukol ng pakikinig habang siya ay saksi.
Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw at walang sumaling sa Amin na anumang kapagalan.
Kaya magtiis ka sa sinasabi nila at magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo bago ng pagsikat ng araw at bago ng paglubog,
at sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Kanya at sa mga katapusan ng pagpapatirapa.
Makinig ka sa Araw na mananawagan ang tagapanawagan mula sa isang lugar na malapit,
sa Araw na maririnig nila ang Sigaw sa katotohanan. Iyon ay ang Araw ng Paglabas.
Tunay na Kami ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan. Tungo sa Amin ang kahahantungan,
sa araw na magkakabiyak-biyak ang lupa buhat sa kanila sa pagmamadali. Iyon ay isang pagtitipon na sa Amin ay madali.
Kami ay higit na nakaaalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasiil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko.
سورة ق
معلومات السورة
الكتب
الفتاوى
الأقوال
التفسيرات

سورةُ (ق) من السُّوَر المكية، نزلت بعد سورة (المُرسَلات)، وقد افتُتحت بالتنويه بهذا الكتابِ، وتذكيرِ الكفار بأصل خِلْقتهم، وقدرة الله عز وجل على الإحياء من عدمٍ؛ وذلك دليلٌ صريح على قُدْرته على بعثِهم وحسابهم بعد أن أوجَدهم، وفي ذلك دعوةٌ لهم إلى الإيمان بعد أن بيَّن اللهُ لهم مصيرَ من آمن ومصيرَ من كفر، وقد كان صلى الله عليه وسلم يقرؤها في صلاةِ الفجر.

ترتيبها المصحفي
50
نوعها
مكية
ألفاظها
373
ترتيب نزولها
34
العد المدني الأول
45
العد المدني الأخير
45
العد البصري
45
العد الكوفي
45
العد الشامي
45

* سورةُ (ق):

سُمِّيت سورةُ (ق) بهذا الاسمِ؛ لافتتاحها بهذا الحرفِ.

* كان النبيُّ صلى الله عليه وسلم يقرأُ سورة (ق) في صلاةِ الفجر:

عن جابرِ بن سَمُرةَ رضي الله عنه، قال: «إنَّ النبيَّ ﷺ كان يَقرأُ في الفجرِ بـ {قٓۚ وَاْلْقُرْءَانِ اْلْمَجِيدِ}، وكان صلاتُه بعدُ تخفيفًا». أخرجه مسلم (٤٥٨).

* وكذلك كان صلى الله عليه وسلم يقرأ سورة (ق) في عيدَيِ الفطرِ والأضحى:

عن عُبَيدِ اللهِ بن عبدِ اللهِ: «أنَّ عُمَرَ بنَ الخطَّابِ سألَ أبا واقدٍ اللَّيْثيَّ: ما كان رسولُ اللهِ ﷺ يَقرأُ في الفِطْرِ والأضحى؟ قال: كان النبيُّ ﷺ يَقرأُ بـ {قٓۚ وَاْلْقُرْءَانِ اْلْمَجِيدِ}، و{اْقْتَرَبَتِ اْلسَّاعَةُ وَاْنشَقَّ اْلْقَمَرُ}». أخرجه ابن حبان (٢٨٢٠).

1. إنكار المشركين للبعث (١-٥).

2. التأمُّل في الآيات (٦-١٥).

3. التأمل في الأنفس خَلْقًا ومآلًا (١٦-٣٨).

4. توجيهات للرسول، وتهديد للمشركين (٣٩-٤٥).

ينظر: "التفسير الموضوعي لسور القرآن الكريم" لمجموعة من العلماء (7 /402).

مقصودُ السورة الدَّلالة على قدرة الله عز وجل أن يَبعَثَ الناسَ بعد موتهم، وأكبَرُ دليلٍ على ذلك خَلْقُهم من عدمٍ، وهو أصعب من بعثِهم من موجود، وفي ذلك يقول البِقاعيُّ رحمه الله: «مقصودها: الدلالةُ على إحاطة القدرة، التي هي نتيجة ما خُتمت به الحُجُرات من إحاطةِ العلم؛ لبيانِ أنه لا بد من البعث ليوم الوعيد؛ لتنكشفَ هذه الإحاطةُ بما يحصل من الفصل بين العباد بالعدل؛ لأن ذلك سِرُّ المُلك، الذي هو سرُّ الوجود.

والذي تكفَّلَ بالدلالة على هذا كلِّه: ما شُوهِد من إحاطة مجدِ القرآن بإعجازه في بلوغه - في كلٍّ من جمعِ المعاني وعلوِّ التراكيب، وجلالة المفرَدات وجزالةِ المقاصد، وتلاؤم الحروف وتناسُبِ النظم، ورشاقة الجمع وحلاوة التفصيل - إلى حدٍّ لا تُطيقه القُوَى من إحاطةِ أوصاف الرسل، الذي اختاره سبحانه لإبلاغِ هذا الكتاب، في الخَلْقِ والخُلُق، وما شُوهِد من إحاطة القدرة بما هدى إليه القرآنُ من آيات الإيجاد والإعدام». "مصاعد النظر للإشراف على مقاصد السور " للبقاعي (3 /15).