ترجمة سورة المجادلة

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني سورة المجادلة باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج).
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Narinig nga ni Allāh ang pananalita ng [babaing] nakikipagtalo sa iyo hinggil sa asawa niya at dumaraing kay Allāh. Si Allāh ay nakaririnig sa pagtatalakayan ninyong dalawa. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita.
Ang mga nagsasagawa ng dhihār kabilang sa inyo sa mga maybahay nila [ay nagsinungaling]; ang mga ito ay hindi mga ina nila. Walang iba ang mga ina kundi ang mga nagsilang sa kanila. Tunay na sila ay talagang nagsasabi ng isang nakasasama kabilang sa sinasabi at isang kabulaanan. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpaumanhin, Mapagpatawad.
Ang mga nagsasagawa ng dhihār sa mga maybahay nila, pagkatapos ay bumawi sila sa sinabi nila, ay pagpapalaya ng isang alipin [ang panakip-sala] bago magsalingan silang dalawa. Gayon kayo pinangangaralan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo [ng mapalalaya ay kailangan sa kanya] ang pag-aayuno ng dalawang buwang nagkakasunod bago silang dalawa magsalingan; ngunit ang sinumang hindi nakakaya [ay kailangan sa kanya] ang pagpapakain ng animnapung dukha. Iyon ay upang sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang masakit.
Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya ay dudustain kung paanong dinusta ang mga kabilang sa nauna sa kanila. Nagbaba nga Kami ng mga tandang malilinaw. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ay isang pagdurusang manghahamak
sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan at saka magbabalita Siya sa kanila hinggil sa ginawa nila; mag-iisa-isa niyon si Allāh samantalang lumimot sila niyon. Si Allāh sa bawat bagay ay Saksi.
Hindi mo ba napag-alaman na si Allāh ay nakaaalam sa anumang nasa mga langit at anumang nasa lupa? Hindi nangyayaring may sarilinang pag-uusap ng tatlo malibang Siya ay ang ikaapat sa kanila, ni ng lima malibang Siya ay ang ikaanim sa kanila, ni ng higit na mababa kaysa roon ni ng higit na marami kaysa roon malibang Siya ay kasama sa kanila nasaan man sila. Pagkatapos ay magbabalita Siya sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila sa Araw ng Pagbangon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
Hindi ka ba tumingin sa mga sinaway laban sa sarilinang pag-uusap, pagkatapos ay umuulit sila sa sinaway sa kanila at nag-uusapan sila nang sarilinan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo? Kapag pumunta sila sa iyo ay bumabati sila sa iyo ng hindi ibinabati sa iyo ni Allāh at nagsasabi sila sa mga sarili nila: "Bakit hindi tayo pagdusahin ni Allāh dahil sa sinasabi natin?" Sapat sa kanila ang Impiyerno. Papasok sila roon, kaya kay saklap ang kahahantungan!
O mga sumampalataya, kapag nag-usap-usap kayo nang sarilinan ay huwag kayong mag-usap-usap nang sarilinan hinggil sa kasalanan, pangangaway, at pagsuway sa Sugo; mag-usap-usap kayo nang sarilinan hinggil sa pagpapakabuti at pangingilag sa pagkakasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh na sa Kanya ay titipunin kayo.
Ang [masamang] sarilinang pag-uusap ay mula sa demonyo lamang upang malungkot ang mga sumampalataya, ngunit hindi siya makapipinsala sa kanila ng anuman malibang may pahintulot ni Allāh. Kay Allāh manalig ang mga mananampalataya.
O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magbigayan kayo ng puwang sa mga pagtitipon ay magbigay kayo ng puwang; magbibigay si Allāh ng puwang para sa inyo. Kapag sinabi sa inyo na tumindig kayo ay tumindig kayo; mag-aangat ng mga antas si Allāh sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at sa mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid.
O mga sumampalataya, kapag nakipag-usap kayo nang sarilinan sa Sugo ay maghandog kayo bago ng sarilinang pakikipag-usap ninyo ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Nabagabag ba kayo na maghandog bago ng sarilinang pakikipag-usap ninyo ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo ginawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Nakababatid sa anumang ginagawa ninyo.
Hindi ka ba tumingin sa mga tumangkilik sa mga taong nagalit si Allāh sa mga iyon? Hindi sila kabilang sa inyo at hindi kabilang sa mga iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam.
Naghanda si Allāh para sa kanila ng isang pagdurusang matindi. Tunay na sila ay sumagwa ang dati nilang ginagawa.
Gumawa sila sa mga panunumpa nila bilang isang panangga kaya sumagabal sila sa landas ni Allāh, kaya ukol sa kanila ay isang pagdurusang manghahamak.
Hindi makapagpapakinabang para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh sa anuman. Ang mga iyon ay ang mga mananahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili
sa Araw na bubuhayin sila ni Allāh nang lahatan at manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling.
Nanaig sa kanila ang demonyo kaya nagpalimot ito sa kanila ng pag-alaala kay Allāh. Ang mga iyon ay ang lapian ng demonyo. Pansinin, tunay na ang lapian ng demonyo ay ang mga lugi.
Tunay na ang mga sumasalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, ang mga iyon ay kabilang sa mga pinakaaba.
Nagtakda si Allāh: "Talagang mananaig nga Ako at ang mga sugo Ko." Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan.
Hindi ka makatatagpo ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw na nagmamahal sa sinumang sumalansang kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man ang mga ito ay mga magulang nila o mga anak nila o mga kapatid nila o angkan nila. Ang mga iyon ay sumulat Siya sa mga puso nila ng pananampalataya at nag-alalay Siya sa kanila sa pamamagitan ng isang espiritu mula sa Kanya. Magpapapasok Siya sa kanila sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog habang mga nananatili sa mga ito. Nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Ang mga iyon ay ang lapian ni Allāh. Pansinin, tunay na ang lapian ni Allāh ay ang mga matagumpay.
سورة المجادلة
معلومات السورة
الكتب
الفتاوى
الأقوال
التفسيرات

سورة (المجادلة) من السُّوَر المدنية، نزَلتْ لتحريم عادةٍ من عادات الجاهلية؛ وهي (الظِّهار)، وذلك في حادثةِ مظاهرة أوسِ بن الصامت مِن زوجِه خَوْلةَ، وقد جاءت السورةُ بمقصدٍ عظيم؛ وهو إثبات علمِ الله، وإحاطتِه بكل شيء، ومِن كمال ألوهيته سبحانه: الحُكْمُ العدل فيما يصلُحُ لهم من الشرائع، وخُتمت السورة ببيان حال أعداء الله، وحالِ أوليائه.

ترتيبها المصحفي
58
نوعها
مدنية
ألفاظها
475
ترتيب نزولها
105
العد المدني الأول
28
العد المدني الأخير
28
العد البصري
29
العد الكوفي
29
العد الشامي
28

* قوله تعالى: {قَدْ سَمِعَ اْللَّهُ قَوْلَ اْلَّتِي تُجَٰدِلُكَ فِي زَوْجِهَا وَتَشْتَكِيٓ إِلَى اْللَّهِ وَاْللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَآۚ إِنَّ اْللَّهَ سَمِيعُۢ بَصِيرٌ} [المجادلة: 1]:

عن عائشةَ أمِّ المؤمنين رضي الله عنها، قالت: «الحمدُ للهِ الذي وَسِعَ سَمْعُه الأصواتَ، لقد جاءت خَوْلةُ إلى رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم تشكو زوجَها، فكان يَخفَى عليَّ كلامُها؛ فأنزَلَ اللهُ عز وجل: {قَدْ سَمِعَ اْللَّهُ قَوْلَ اْلَّتِي تُجَٰدِلُكَ فِي زَوْجِهَا} [المجادلة: 1] إلى آخرِ الآيةِ». أخرجه النسائي (٣٤٦٠)، وابن ماجه (١٨٨).

* قوله تعالى: {وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ اْللَّهُ} [المجادلة: 8]:

عن عبدِ اللهِ بن عمرٍو رضي الله عنهما، قال: «إنَّ اليهودَ كانوا يقولون لرسولِ اللهِ ﷺ: سامٌ عليك! ثم يقولون في أنفسِهم: {لَوْلَا يُعَذِّبُنَا اْللَّهُ بِمَا نَقُولُۚ} [المجادلة: 8]؛ فنزَلتْ هذه الآيةُ: {وَإِذَا جَآءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ اْللَّهُ} [المجادلة: 8] إلى آخرِ الآيةِ». أخرجه أحمد (٦٥٨٩).

* قوله تعالى: {وَيَحْلِفُونَ عَلَى اْلْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ} [المجادلة: 14]:

عن عبدِ اللهِ بن عباسٍ رضي الله عنهما، قال: «قال رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم: «يدخُلُ عليكم رجُلٌ ينظُرُ بعينِ شيطانٍ، أو بعَيْنَيْ شيطانٍ»، قال: فدخَلَ رجُلٌ أزرَقُ، فقال: يا مُحمَّدُ، علامَ سبَبْتَني -أو: شتَمْتَني، أو نحوَ هذا-؟ قال: وجعَلَ يَحلِفُ، قال: فنزَلتْ هذه الآيةُ في المجادلةِ: {وَيَحْلِفُونَ عَلَى اْلْكَذِبِ وَهُمْ يَعْلَمُونَ} [المجادلة: 14]، والآيةُ الأخرى». أخرجه أحمد (٢١٤٧).

قال محقِّقو "المسند" (4 /48): «قوله: «فقال: يا مُحمَّدُ، علامَ سبَبْتَني؟»؛ كذا جاء في جميع الأصول، وكذلك هو في "مسند البزار"، وزيادة: «يا محمد» - كما قال الشيخُ أحمد شاكر- خطأٌ ينافي السياق؛ فإن الذي نُسِب إليه السبُّ والشَّتم هنا هو المنافقُ الأزرق، ورسولُ الله يَسأله ويتَّهِمُه، وهو يَحلِف كاذبًا يَتبرَّأ من التُّهمة، وقد جاء في "تفسير الطبري" على الصواب بإسقاطِ هذه الزيادة، وسيأتي على الصواب أيضًا عند أحمد (2407)»، انظر السبب الآتي.

* قوله تعالى: {يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اْللَّهُ جَمِيعٗا فَيَحْلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَيْءٍۚ أَلَآ إِنَّهُمْ هُمُ اْلْكَٰذِبُونَ} [المجادلة: 18]:

عن سعيدِ بن جُبَيرٍ، أنَّ ابنَ عباسٍ رضي الله عنهما حدَّثه، قال: «كان رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم في ظلِّ حُجْرةٍ مِن حُجَرِه، وعنده نَفَرٌ مِن المسلمين، قد كاد يَقلِصُ عنهم الظِّلُّ، قال: فقال: «إنَّه سيأتيكم إنسانٌ ينظُرُ إليكم بعَيْنَيْ شيطانٍ، فإذا أتاكم، فلا تُكلِّموه»، قال: فجاء رجُلٌ أزرَقُ، فدعاه رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم، فكلَّمَه، قال: «علامَ تَشتِمُني أنتَ، وفلانٌ، وفلانٌ؟»، نَفَرٌ دعَاهم بأسمائهم، قال: فذهَبَ الرَّجُلُ، فدعَاهم، فحلَفوا باللهِ واعتذَروا إليه، قال: فأنزَلَ اللهُ عز وجل: {فَيَحْلِفُونَ لَهُۥ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ وَيَحْسَبُونَ ...} [المجادلة: 18] الآيةَ» أخرجه أحمد (2407).

* سورةُ (المجادلة):

سُمِّيت سورةُ (المجادلة) بهذا الاسم؛ لافتتاحها بقصَّة مجادلةِ امرأةِ أوس بن الصامت عند النبي صلى الله عليه وسلم.

وتُسمَّى كذلك بـ (قَدْ سَمِعَ)؛ لافتتاحها بهذا اللفظِ.

1. الظِّهار وكفَّارته (١-٤).

2. خَسارة مَن عادى اللهَ، وتعدَّى حدوده (٥-١٩).

3. حال أعداء الله، ومدحُ أوليائه (٢٠-٢٢).

ينظر: "التفسير الموضوعي لسور القرآن الكريم" لمجموعة من العلماء (8 /34).

يقول ابنُ عاشور رحمه الله عن مقصد السورةِ: «الحُكْمُ في قضيَّة مظاهرة أوسِ بن الصامت من زوجه خَوْلة.
وإبطالُ ما كان في الجاهلية من تحريم المرأة إذا ظاهَر منها زوجُها، وأن عملهم مخالفٌ لِما أراده الله، وأنه من أوهامهم وزُورِهم التي كبَتَهم اللهُ بإبطالها، وتخلَّصَ من ذلك إلى ضلالاتِ المنافقين؛ ومنها مناجاتُهم بمرأى المؤمنين ليَغِيظوهم ويحزُنوهم.
ومنها موالاتهم اليهودَ، وحَلِفُهم على الكذب، وتخلَّل ذلك التعرُّض لآداب مجلس الرسول صلى الله عليه وسلم.

وشرع التصدُّق قبل مناجاة الرسول صلى الله عليه وسلم.

والثناء على المؤمنين في مجافاتهم اليهودَ والمشركين.

وأن اللهَ ورسوله وحِزْبَهما هم الغالبون». "التحرير والتنوير" لابن عاشور (28 /6).