ترجمة سورة إبراهيم

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني سورة إبراهيم باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج).
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Alif. Lām. Rā’. [Ito ay] isang Aklat na ibinaba Namin sa iyo upang ilabas mo ang mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri:
Si Allāh, na sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kasawian ay ukol sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang pagdurusang matindi,
Yaong pinakaiibig ang buhay sa Mundo higit sa Kabilang-buhay, sumasagabal sa landas ni Allāh, at naghahangad dito na maging baluktot. Ang mga iyon ay nasa isang pagkaligaw na malayo.
Hindi Kami nagsugo ng isang sugo malibang ayon sa wika ng mga tao niya upang maglinaw siya sa kanila, ngunit nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloloob Niya. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Moises kalakip ng mga tanda Namin, [na nagsasabi:] "Magpalabas ka sa mga tao mo mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag at magpaalaala ka sa kanila hinggil sa mga araw ni Allāh. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa bawat palatiis na mapagpasalamat.
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga tao niya: "Alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong iniligtas Niya kayo mula sa angkan ni Paraon; pinalalasap nila kayo ng napakasagwang pagdurusa: pinagkakatay nila ang mga lalaking anak ninyo at hinahayaan nilang mabuhay ang mga kababaihan ninyo. Sa gayon iyon ay may isang pagsubok mula sa Panginoon ninyo, na sukdulan.
[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: "Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang parusa Ko ay talagang matindi."
Nagsabi si Moises: "Kung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa sa kalahatan, tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri."
Hindi ba dumating sa inyo ang balita mula sa mga nauna sa inyo, na mga tao ni Noe, ng `Ād at Thamūd, at mga mula sa [tao] pagtapos nila. Walang nakaaalam sa kanila kundi si Allāh. Dumating sa kanila ang mga sugo nila dala ang mga malinaw na patunay, ngunit itinulak nila ang mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududa sa inaanyaya ninyo sa amin, na nag-aalinlangan."
Nagsabi ang mga sugo nila: "Kay Allāh ba ay may pagdududa, ang Lumalang ng mga langit at lupa? Nag-aanyaya Siya sa inyo upang magpatawad sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at mag-antala sa inyo hanggang sa taning na itinakda." Nagsabi sila: "Kayo ay hindi iba kundi mga taong tulad namin. Nagnanais kayo na bumalakid sa amin sa sinasamba noon ng mga ninuno namin kaya magdala kayo sa amin ng katunayang malinaw."
Nagsabi sa kanila ang mga sugo nila: "Kami ay hindi iba kundi mga taong tulad ninyo, subalit si Allāh ay nagpapaunlak sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Hindi naging ukol sa amin na magdala sa inyo ng isang katunayan malibang ayon sa kapahintulutan ni Allāh. Sa kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya.
Ano ang mayroon sa amin na hindi kami manalig kay Allāh gayong nagpatnubay nga Siya sa amin sa mga landas namin? Talagang magtitiis nga kami sa anumang pananakit ninyo sa amin. Sa kay Allāh ay manalig ang mga nananalig."
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya sa mga sugo sa kanila: "Talagang palalayasin nga namin kayo mula sa lupain namin, o talagang kayo ay babalik sa kapaniwalaan namin." Kaya nagsiwalat sa kanila ang Panginoon nila: "Talagang magpapahamak nga Kami sa mga tagalabag sa katarungan,
at talagang magpapatahan nga Kami sa inyo sa lupain matapos nila. Iyon ay ukol sa sinumang nangamba sa kalagayan Ko at nangamba sa banta Ko."
Humiling sila ng pagwawagi, at nabigo ang bawat mapaniil na mapagmatigas.
Mula sa harap niya ay Impiyerno, at paiinumin siya ng tubig na nana.
Lalagok-lagukin niya ito at hindi niya halos malulunok ito. Pupunta sa kanya ang kamatayan mula sa bawat pook ngunit siya ay hindi patay. Mula sa harap niya ay isang pagdurusang mabagsik.
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila; ang mga gawa nila ay gaya ng mga abo na tumindi sa mga ito ang hangin sa isang araw na umuunos; hindi sila nakakakaya ng anuman laban sa nakamit nila. Iyon ay ang pagkaligaw na malayo.
Hindi mo ba nakita na si Allāh ay lumikha sa mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Kung loloobin Niya ay maaalis Niya kayo at makagagawa Siya ng bagong nilikha.
At hindi iyon kay Allāh mahirap.
Lalantad sila kay Allāh nang sama-sama at magsasabi ang mga mahina sa mga nagmalaki: "Tunay na kami noon sa inyo ay tagasunod, kaya kayo ba ay makagagawa para sa amin ng anuman laban sa pagdurusa mula kay Allāh?" Magsasabi ang mga iyon: "Kung sakaling nagpatnubay sa amin si Allāh ay talaga sanang nagpatnubay kami sa inyo. Magkapantay sa atin kung nanghinawa tayo o nagtiis tayo: walang ukol sa ating anumang matatakasan."
Magsasabi ang demonyo kapag natapos ang pasya: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi nangyaring mayroon ako sa inyong anumang kapamahalaan malibang nag-aanyaya ako sa inyo at tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag ninyo akong sisihin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasaklolo sa inyo at hindi kayo makasasaklolo sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] noon." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Papapasukin ang mga sumampalataya at gumagawa ng mga mabuti sa mga Hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nila. Ang pagbati nila roon ay kapayapaan.
Hindi mo ba nakita kung papaanong naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad sa isang pangungusap na kaaya-aya sa gaya ng isang punong-kahoy na kaaya-aya na ang ugat nito ay matatag at ang mga sanga nito ay nasa langit?
Nagbibigay ito ng bunga nito sa bawat sandali ayon sa kapahintulutan ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh ng mga paghahalintulad para sa mga tao nang sa gayon sila ay magsasaalaala.
Ang paghahalintulad sa isang pangungusap na karima-rimarim ay gaya ng isang punong-kahoy na karima-rimarin na binunot mula sa ibabaw ng lupa, na walang anumang katatagan.
Nagpapatatag si Allāh sa mga sumampalataya sa pamamagitan ng sinabing matatag na salita sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Nagpapaligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya.
Hindi mo ba nakita ang mga nagpalit sa biyaya ni Allāh ng kawalang-pananampalataya at nagbulid sa mga tao nila sa tahanan ng kasawian?
Impiyerno ay papasukin nila. Kaaba-aba ang pamamalagi!
Gumawa sila para kay Allāh ng mga kaagaw upang magpaligaw sila palayo sa landas Niya. Sabihin mo: "Magtamasa kayo sapagkat tunay na ang kahahantungan ninyo ay sa Apoy."
Sabihin mo sa mga lingkod Ko na mga sumampalataya na magpanatili sila sa pagdarasal at gumugol sila mula sa itinustos Namin sa kanila nang palihim at hayagan bago darating ang isang araw na walang bilihan roon at walang pakikipagkaibigan.
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at nagbaba mula sa langit ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan niyon ng mga bunga bilang panustos para sa inyo. Pinaglingkod Niya para sa inyo ang mga daong upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya at pinaglingkod Niya para sa inyo ang mga ilog.
Pinaglingkod Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang mga umiinog. Pinaglingkod Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon.
Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa sa mga ito. Tunay na ang tao ay talagang mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya.
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: "Panginoon ko, gawin Mo ang bayang ito na matiwasay at paiwasin Mo ako at ang mga anak ko na sumamba kami sa mga rebulto.
Panginoon ko, tunay na ang mga ito ay nagpaligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain.
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko sa isang lambak na walang pananim, sa tabi ng Bahay Mong Binanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat.
Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang naikukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit.
Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagkaloob sa akin sa katandaan kina Ismael at Isaac. Tunay na ang Panginoon ko ay talagang Madinigin sa panalangin.
Panginoon ko, gawin Mo ako na tagapagpanatili ng pagdarasal at ang kabilang sa mga supling ko, Panginoon Namin, at tanggapin Mo ang panalangin ko.
Panginoon namin, magpatawad Ka sa akin, sa mga magulang ko, at sa mga mananampalataya sa araw na sasapit ang pagtutuos."
Huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay nalilingat sa anumang ginagawa ng mga tagalabag sa katarungan. Nagpapaliban lamang Siya sa kanila sa araw na mandidilat doon ang mga paningin.
Mga kumakaripas na mga nagtitingala ng mga ulo nila, hindi nanunumbalik sa kanila ang sulyap nila habang ang mga puso nila ay hungkag.
Magbabala ka sa mga tao ng araw na pupunta sa kanila ang pagdurusa at magsasabi ang mga lumabag sa katarungan: "Panginoon namin, magpaliban Ka sa amin hanggang sa isang taning na malapit, sasagot kami sa paanyaya Mo at susunod kami sa mga sugo Mo." [Sasabihin:] "Hindi ba kayo sumumpa noon pa man na wala kayong anumang kawakasan?
Tumahan kayo sa mga tahanan ng mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila. Luminaw sa inyo kung papaano ang ginawa Namin sa kanila. Naglahad Kami para sa inyo ng mga paghahalintulad."
Nanlansi nga sila ng panlalansi nila, ngunit nasa kay Allāh ang panlalansi nila kahit pa ang panlalansi nila ay upang maalis dahil dito ang mga bundok.
Kaya huwag ka ngang mag-akalang si Allāh ay sisira sa pangako Niya sa mga sugo Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, May paghihiganti.
Sa Araw na papalitan ang lupa ng ibang lupa at ang mga langit, at lalantad sila kay Allāh, ang Nag-iisa, ang Palagapi.
Makikita mo ang mga salarin sa Araw na iyon na mga magkagapos sa pamamagitan ng mga posas,
na ang mga damit nila ay yari sa alkitran at natatakpan ang mga mukha nila ng apoy,
upang gumanti si Allāh sa bawat kaluluwa sa nakamit nito. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao, at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito, upang malaman nila na Siya ay Diyos na nag-iisa lamang, at upang makapag-alaala ang mga may mga pang-unawa.
سورة إبراهيم
معلومات السورة
الكتب
الفتاوى
الأقوال
التفسيرات

سورةُ (إبراهيمَ) مِن السُّوَر المكية، وجاءت هذه السورةُ الكريمة على ذِكْرِ مسائل الاعتقاد، والتوحيد، وآياتِ الله عز وجل في هذا الكونِ، كما دعَتْ إلى اتباع الدِّين الخالص: {مِلَّةَ ‌إِبْرَٰهِيمَ ‌حَنِيفٗاۖ}، وقد سُمِّيتْ باسمه عليه السلام، ودعت إلى اتباع الطريق الحقِّ التي دعا إليها كلُّ الأنبياء، كما أورَدتْ ذِكْرَ الجنة والنار، وحال كلٍّ من الفريقين؛ ترغيبًا في الاتباع والطاعة، وترهيبًا عن المعصية والمخالفة، واحتوت على ذِكْرِ عظمة الله في هذا الكونِ الفسيح؛ تثبيتًا للنبيِّ صلى الله عليه وسلم، ومَن والاه.

ترتيبها المصحفي
14
نوعها
مكية
ألفاظها
831
ترتيب نزولها
72
العد المدني الأول
54
العد المدني الأخير
54
العد البصري
51
العد الكوفي
52
العد الشامي
55

* قوله تعالى: {يُثَبِّتُ اْللَّهُ اْلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِاْلْقَوْلِ اْلثَّابِتِ فِي اْلْحَيَوٰةِ اْلدُّنْيَا وَفِي اْلْأٓخِرَةِۖ} [إبراهيم: 27]:

عن البَراءِ بن عازبٍ رضي الله عنهما، قال: «نزَلتْ في عذابِ القَبْرِ، فيقال له: مَن رَبُّك؟ فيقول: رَبِّي اللهُ، ونَبيِّي محمَّدٌ ﷺ؛ فذلك قولُهُ عز وجل: {يُثَبِّتُ اْللَّهُ اْلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِاْلْقَوْلِ اْلثَّابِتِ فِي اْلْحَيَوٰةِ اْلدُّنْيَا وَفِي اْلْأٓخِرَةِۖ} [إبراهيم: 27]». أخرجه مسلم (٢٨٧١).

* سورة (إبراهيمَ):

سُمِّيتْ سورة (إبراهيمَ) بذلك؛ لأنها تحدَّثتْ - بشكل رئيسٍ - عن سيدنا (إبراهيمَ) عليه السلام، وعَلاقةِ ذلك بالتوحيد.

جاءت موضوعاتُ سورة (إبراهيم) على النحوِ الآتي:

1. منزلة القرآن الكريم، وحُجِّيته على الناس جميعًا (١-٤).

2. دعوة الرُّسل في الإخراج من الظُّلمات إلى النور (٥-٨).

3. استفتاح الرسل بالنصر على أعدائهم (للدعاة) (٩-١٨).

4. نعيم أهل الجنة، وعذاب أهل النار (١٩- ٣١).

5. عظمة الله في الكون، ونِعَمُه على خَلْقه (٣٢- ٣٤).

6. نبأ إبراهيم عليه السلام في دعوته (٣٥- ٤١).

7. صُوَر من مشاهدِ يوم القيامة (٤٢-٥٢).

ينظر: "التفسير الموضوعي للقرآن الكريم" لمجموعة من العلماء (4 /1).

مقصودُ سورة (إبراهيمَ) هو التوحيدُ، وبيانُ أن هذا الكتابَ غايةُ البلاغ إلى الله؛ لأنه كافل ببيان الصراط الدالِّ عليه، المؤدي إليه، وأدلُّ ما فيها على هذا المَرامِ: قصةُ (إبراهيم) عليه السلام.

أما أمرُ التوحيد في قصة (إبراهيم) عليه السلام: فواضحٌ في آيات كثيرة من القرآن، والتوحيدُ هو ملَّةُ (إبراهيمَ) عليه السلام، التي حكَم اللهُ تعالى على مَن رَغِب عنها بقوله: {وَمَن ‌يَرْغَبُ ‌عَن مِّلَّةِ إِبْرَٰهِـۧمَ إِلَّا مَن سَفِهَ نَفْسَهُۥۚ} [البقرة: 130]. وقال الله تعالى في هذه السُّورةِ مبينًا حِرْصَ (إبراهيمَ) عليه السلام على التوحيد: {وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِيمُ رَبِّ اْجْعَلْ هَٰذَا اْلْبَلَدَ ءَامِنٗا وَاْجْنُبْنِي وَبَنِيَّ أَن نَّعْبُدَ اْلْأَصْنَامَ (35) ​رَبِّ إِنَّهُنَّ أَضْلَلْنَ كَثِيرٗا مِّنَ اْلنَّاسِۖ فَمَن تَبِعَنِي فَإِنَّهُۥ مِنِّيۖ وَمَنْ عَصَانِي فَإِنَّكَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ (36)} [إبراهيم: 35-36].

وأما أمرُ الكتاب: فلأنه من جملةِ دعائه لذريتِه الذين أسكَنهم عند البيت المُحرَّم؛ ذريةِ (إسماعيلَ) عليه السلام: {رَبَّنَا وَابْعَثْ فِيهِمْ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُزَكِّيهِمْ}[سورة البقرة: 129].

ينظر: "مصاعد النظر للإشراف على مقاصد السُّور" للبقاعي (2 /198).