ترجمة سورة السجدة

الترجمة الفلبينية (تجالوج)

ترجمة معاني سورة السجدة باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج).
من تأليف: مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام .

Alif. Lām. Mīm.
Ang pagbababa ng Aklat ay walang alinlangan hinggil dito mula sa Panginoon ng mga nilalang.
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Bagkus ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo upang magbabala ka sa mga taong hindi napuntahan ng anumang tagapagbabala noong wala ka pa nang sa gayon sila ay mapapatnubayan.
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni tagapamagitan. Kaya hindi pa ba kayo magsasaalaala?
Nangangasiwa Siya sa usapin mula sa langit patungo sa lupa, pagkatapos ay pumapanik iyon sa Kanya sa isang araw na ang sukat nito ay isang libong taon mula sa binibilang ninyo.
Iyon ay ang Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Maawain,
na nagpaganda sa bawat bagay na nilikha Niya. Nagsimula Siya sa paglikha sa tao mula sa putik.
Pagkatapos ay gumawa Siya sa mga inapo nito mula sa isang hinango mula sa isang tubig na hamak.
Pagkatapos ay humubog Siya rito at umihip Siya rito mula sa espiritu Niya. Gumawa Siya para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Anong kaunti ang ipinagpapasalamat ninyo!
Nagsabi sila: "Kapag ba naligaw kami sa lupa, tunay bang kami ay talagang nasa isang paglikhang bago?" Bagkus sila, sa pakikipagkita sa Panginoon nila, ay mga tagatangging sumampalataya.
Sabihin mo: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos sa Panginoon ninyo panunumbalikin kayo."
Kung sakaling nakikita mo kapag ang mga salarin ay mga nakatungo ang mga ulo nila sa harap ng Panginoon nila, [na nagsasabi]: "Panginoon namin, nakakita kami at nakarinig kami. Kaya magpanumbalik Ka sa amin, gagawa kami ng maayos. Tunay na kami ay mga nakatitiyak."
Kung sakaling niloob Namin ay talaga sanang nagbigay Kami sa bawat tao ng patnubay niya, subalit magkakatotoo ang sabi mula sa Akin: "Talagang magpupuno nga Ako sa Impiyerno ng mga jinn at mga tao nang sama-sama.
Kaya lumasap kayo [ng pagdurusa] dahil lumimot kayo sa pakikipagkita sa Araw ninyong ito. Tunay na Kami ay lilimot sa inyo. Lumasap kayo ng pagdurusa ng kawalang-hanggan dahil sa dati ninyong ginagawa.
Sumasampalataya lamang sa mga talata Namin ang mga kapag pinaalalahanan sa mga ito ay sumusubsob na mga nakapatirapa at nagluluwalhati kalakip ng papuri sa Panginoon nila habang sila ay hindi nagmamalaki.
Humihiwalay ang mga tagiliran nila sa mga hinihigaan habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
Kaya hindi nalalaman ng isang kaluluwa ang ikinubli para sa kanila na kasiyahan ng mga mata bilang ganti sa anumang dati nilang ginagawa.
Kaya ba ang sinumang naging isang mananampalataya ay gaya ng sinumang naging isang suwail? Hindi sila nagkakapantay?
Tungkol naman sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos, ukol sa kanila ay mga hardin ng kanlungan bilang tuluyan dahil sa dati nilang ginagawa.
Tungkol naman sa mga nagpakasuwail, ang kanlungan nila ay ang Apoy. Sa tuwing nagnais sila na lumabas mula roon ay ibinabalik sila roon at sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusa sa Apoy, na dati kayong nagpapasinungaling hinggil dito."
Talagang magpapalasap nga Kami sa kanila ng pinakamalapit na pagdurusa bukod pa sa pinakamalaking pagdurusa, nang sa gayon sila ay manunumbalik.
Sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang pinaalalahanan ng mga tanda ng Panginoon niya, pagkatapos ay umaayaw sa mga ito? Tunay na Kami, sa mga salarin, ay maghihiganti.
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan sa pakikipagkita sa kanya. Gumawa Kami rito bilang isang patnubay para sa mga anak ni Israel.
Gumawa Kami mula sa kanila ng mga pinuno na nagpapatnubay ayon sa kautusan Namin noong nagtiis sila at sila noon sa mga tanda Namin ay nakatitiyak.
Tunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang dati silang nagkakaiba-iba.
Hindi ba nagpatnubay para sa mga ito kung ilan na ang pinasawi Namin, noong wala pa ang mga ito, kabilang sa mga salinlahi habang naglalakad sila sa mga tirahan nila. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda, kaya hindi ba sila nakaririnig?
Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang at nagpapalabas Kami sa pamamagitan nito ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan ninyo at ang mga sarili ninyo? Kaya hindi ba sila tumitingin?
Nagsasabi sila: "Kailan ang pagsakop na ito kung kayo ay mga tapat?"
Sabihin mo: "Sa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila at hindi sila palulugitan."
Kaya umayaw ka sa kanila at maghintay ka sa kanila. Tunay na sila ay mga naghihintay.
سورة السجدة
معلومات السورة
الكتب
الفتاوى
الأقوال
التفسيرات

سورةُ (السَّجْدة) من السُّوَر المكية، وقد جاءت بإنذارِ الكافرين من النار، وتوبيخِهم على اتِّباع الآلهة الزائفة التي لا تغني من الحقِّ شيئًا، ودعَتْهم إلى التواضُعِ واتِّباع دِينِ الله الحقِّ؛ من خلال تَرْكِ التكبُّر، والسجودِ لله، مذكِّرةً لهم بأصلِ خِلْقتهم، وبقوَّةِ الله عز وجل وقُدْرته؛ فهو المستحِقُّ للعبادة، وقد كان صلى الله عليه وسلم يَقرؤُها في صلاةِ فَجْرِ يوم الجمعة.

ترتيبها المصحفي
32
نوعها
مكية
ألفاظها
374
ترتيب نزولها
75
العد المدني الأول
30
العد المدني الأخير
30
العد البصري
29
العد الكوفي
30
العد الشامي
30

* قوله تعالى: {تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمْ عَنِ اْلْمَضَاجِعِ} [السجدة: 16]:

عن أنسِ بن مالكٍ رضي الله عنه: «أنَّ هذه الآيةَ: {تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمْ عَنِ اْلْمَضَاجِعِ} [السجدة: 16]  نزَلتْ في انتظارِ الصَّلاةِ التي تُدْعى العَتَمةَ». أخرجه الترمذي (٣١٩٦).

و(صلاةُ العَتَمةِ): هي صلاةُ العِشاءِ؛ لِما جاء في الحديثِ عن عبدِ اللهِ بن عُمَرَ رضي الله عنهما، قال: «صلَّى لنا رسولُ اللهِ ﷺ العِشاءَ، وهي التي يَدْعو الناسُ العَتَمةَ ...». أخرجه البخاري (٥٦٤).

* سورة (السَّجْدة):

سُمِّيت بذلك لِما ذكَر اللهُ تعالى فيها من أوصافِ المؤمنين، الذين إذا سَمِعوا آياتِ القرآن {خَرُّواْۤ سُجَّدٗاۤ وَسَبَّحُواْ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَهُمْ لَا يَسْتَكْبِرُونَ} [السجدة: 15]. وقال البِقاعيُّ: «واسمُها (السَّجْدة) منطبِقٌ على ذلك بما دعَتْ إليه آيَتُها من الإخباتِ، وتركِ الاستكبار». "مصاعد النظر للإشراف على مقاصد السور" (2 /361).

* سورة ({الٓمٓ ١ تَنزِيلُ})، أو ({الٓمٓ ١ تَنزِيلُ} السَّجْدةَ):

دلَّ على ذلك افتتاحُ السُّورة بذلك، واحتواؤها على سَجْدةٍ، وصحَّ عن عبدِ اللهِ بن عباسٍ رضي الله عنهما: «أنَّ النبيَّ ﷺ كان يَقرأُ في صلاةِ الفَجْرِ يومَ الجُمُعةِ: {الٓمٓ ١ تَنزِيلُ} السَّجْدةَ، و{هَلْ أَتَىٰ عَلَى اْلْإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ اْلدَّهْرِ}، وأنَّ النبيَّ ﷺ كان يَقرأُ في صلاةِ الجُمُعةِ سورةَ الجُمُعةِ، والمُنافِقِينَ». أخرجه مسلم (٨٧٩).

ولها أسماءٌ أخرى غيرُ ما ذكرنا.

ينظر: "التفسير الموضوعي لسور القرآن الكريم" لمجموعة من العلماء (6 /47-48).

* كان النبيُّ صلى الله عليه وسلم يَقرؤُها في فَجْرِ يوم الجمعة:

 عن عبدِ اللهِ بن عباسٍ رضي الله عنهما: «أنَّ النبيَّ ﷺ كان يَقرأُ في صلاةِ الفَجْرِ يومَ الجُمُعةِ: {الٓمٓ ١ تَنزِيلُ} السَّجْدةَ، و{هَلْ أَتَىٰ عَلَى اْلْإِنسَٰنِ حِينٞ مِّنَ اْلدَّهْرِ}، وأنَّ النبيَّ ﷺ كان يَقرأُ في صلاةِ الجُمُعةِ سورةَ الجُمُعةِ، والمُنافِقِينَ». أخرجه مسلم (٨٧٩).

* كان النبيُّ صلى الله عليه وسلم يَقرؤُها قبل نومِه:

عن جابرِ بن عبدِ اللهِ رضي الله عنهما: «أنَّ النبيَّ ﷺ كان لا يَنامُ حتى يَقرأَ {الٓمٓ ١ تَنزِيلُ}، و{تَبَٰرَكَ اْلَّذِي بِيَدِهِ اْلْمُلْكُ}». أخرجه الترمذي (٣٤٠٤).

اشتمَلتْ سورةُ (السَّجْدة) على الموضوعات الآتية:

1. القرآن حقٌّ مُنزَّل (١-٣).

2. الخَلْقُ: مُدَّته، وأنه حسَنٌ (٤-٩).

3. إثبات البعث (١٠-١١).

4. ذلُّ المجرمين يوم الدِّين (١٢-١٤).

5. علامات الإيمان (١٥- ١٧).

6. الجزاء العادل (١٨-٢٢).

7. الإمامة في الدِّين (٢٣-٢٥).

8. آياتٌ وعِظات (٢٦- ٣٠).

ينظر: "التفسير الموضوعي لسور القرآن الكريم" لمجموعة من العلماء (6 /51).

مقصدُ السُّورة الأعظم: هو إنذارُ الكفار بهذا الكتاب، وأنه مِن عندِ الله عزَّ وجلَّ؛ فلا يأتيه الباطلُ مِن بينِ يديه ولا مِن خلفِه، وبيانُ بطلانِ آلهتهم وزيفِها، والتذكيرُ بقدرة الله والبعث، وكذا تذكيرُهم بوجوب اتِّباع النبي صلى الله عليه وسلم المرسَل بهذا الكتاب؛ فمِن خلال الاتباع يكون الفوزُ بالجنة، والنجاةُ من النار، ولتحقيقِ ذلك لا بد من الاستجابة لله، والتواضُعِ لأمره، وتركِ الاستكبار والعناد، واسمُ السورة دالٌّ على ذلك.

ينظر: "مصاعد النظر للإشراف على مقاصد السور" للبقاعي (2 /361)، و"التحرير والتنوير" لابن عاشور (21 /204).